INTERNATIONAL JOURNAL OF NOVEL RESEARCH AND DEVELOPMENT International Peer Reviewed & Refereed Journals, Open Access Journal ISSN Approved Journal No: 2456-4184 | Impact factor: 8.76 | ESTD Year: 2016
Scholarly open access journals, Peer-reviewed, and Refereed Journals, Impact factor 8.76 (Calculate by google scholar and Semantic Scholar | AI-Powered Research Tool) , Multidisciplinary, Monthly, Indexing in all major database & Metadata, Citation Generator, Digital Object Identifier(DOI)
Natiyak sa pag-aaral na ito na masuri ang mga epekto ng modular distance learning sa mga mag-aaral at magulang sa antas ng sekondarya sa lalawigan ng Magallanes. Deskriptib-analisis ang ginamit sa pananaliksik. Random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga mag-aaral at magulang na kalahok. Gumamit ng tseklist para sa pagkuha ng mga datos na kinailangan sa pag-aaral. Nagsagawa rin ng pakikipanayam sa mga magulang at mag-aaral para sa ikatitibay ng datos. Inalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa tulong ng nararapat na estadistika tulad ng pagbilang, at pagrarango.
Iba’t ibang positibo at negatibong epekto ang modular distance learning sa mga aspetong kalagayan ng mga mag-aaral at magulang. Marami ang positibo at negatibong naidulot ng modular distance learning sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng magulang. Inirerekomendang mabigyang pansin ng Kagawaran ng edukasyon ang mga epekto ng modular distance learning sa pagkatuto at pagtuturo upang maibsan ang mga negatibong naging epekto nito sa pag-aaral ng mag-aaral at pagtuturo ng magulang. Bigyan ng karampatang aksyon/solusyon ang mga nabanggit na negatibong naidulot sa kasalukuyang pag-aaral. Magsagawa ng oryentasyon sa mga mag-aaral na pangungunahan ng pamunuan ng paaralan at kaguruan na makakatulong sa mga magulang at mag-aaral na lubusang maunawaan ang modular distance learning sa makabagong panahon. Bigyang pansin ang mga suliraning kinaharap ng mga mag-aaral at mga magulang sa modular learning sa pamaraang pag-alam sa kanilang mga karanansan upang mabigyang ng kasapatang aksyon. Hikayatin ang mag-aaral at magulang na maging bukas ang opinyon sa ibang sangay ng pamahalaan tulad halimbawa ng LGU (Local Government Unit) at Kagawaran ng Edukasyon upang magkaroon ng maayos na pang-unawa at malawak na kaisipan tungkol sa Modular Distance Learning. sistema ng pag-aaral sa new normal. Magkaroon pa ng mga susunod na pag-aaral sa mas lalong pagpapaigting ng pagnanais na pag-aralan ang epekto ng modular distance learning sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng magulang.
"MODULAR DISTANCE LEARNING: EPEKTO SA PAGKATUTO NG MAG-AARAL AT PAGTUTURO NG MAGULANG ", International Journal of Novel Research and Development (www.ijnrd.org), ISSN:2456-4184, Vol.7, Issue 12, page no.b430-b442, December-2022, Available :http://www.ijnrd.org/papers/IJNRD2212145.pdf
Downloads:
000118766
ISSN:
2456-4184 | IMPACT FACTOR: 8.76 Calculated By Google Scholar| ESTD YEAR: 2016
An International Scholarly Open Access Journal, Peer-Reviewed, Refereed Journal Impact Factor 8.76 Calculate by Google Scholar and Semantic Scholar | AI-Powered Research Tool, Multidisciplinary, Monthly, Multilanguage Journal Indexing in All Major Database & Metadata, Citation Generator
Facebook Twitter Instagram LinkedIn